Monday, July 25, 2011

Idol ko si Jose Manalo kase

Tungkol kay Jose Manalo:
Jose Manalo (tunay na pangalan niya ay Ariel Pagtalonia Manalo, ipinanganak nooong February 12, 1966 sa Maynila) isa syang aktor na Filipino, komedyante at nagtatrabaho saGMA Network at bida sa sikat na palabas pangtanghali, ang Eat Bulaga!.

Biography and Career

Unang lumabas sa TV si Ariel Manalo sa Valiente bilang suportang karakter. Sumunod, ginamit nya ang pangalang Jose Manalo at lumabas sa Eat Bulaga noong taong 2002. Yung ibang host katulad nina Vic Sotto and Joey de Leon at nagkaroon ng kakaibang karisma at katuwaan kasama ni Jose, kuhang kuha din nya ang kiliti ng mga manonood. Ayun, naging regular na host na rin sya. And kanyang matagal nang kaibigan na si Wally Bayola ay pumasok na rin sa indusrtiya at naging mahusay ang tambalan nila sa pagpapatawa. Lumabas din si Jose sa ibang mga komedyang palabas ng GMA Network katulad ng Daddy Di Do Du at Ful Haus, kung saan nakatrabaho nya si Bossing Vic Sotto. Sa kasalukuyan, si Jose ay isang magaling at epektibong host sa bahagi ng Eat Bulaga, ang Juan for All, All for Juan.

Samakatuwid, ipinatawag ko kayong lahat dito upang alamin ang inyong mga saloobin. Pakituloy lang ang linya na..

Idol ko si Jose Manalo kase...

Top 50 Pinoy Personalities

Kakaiba nga daw ang lahing Pinoy kumpara sa ibang mga lahi sa buong mundo. Ito ay sapagkat meron tayong mga ugali, kultura, mga katangian, mga ginagawa at sinasabi na sa atin lang nakikita. Kaya naman kapag nasa ibang bansa ang mga Pinoy talaga namang masasabi mong 100% Pinoy siya makita mo lang ang isa sa mga maraming katangiang ito. Narito ang ‘Top 50 Pinoy ka kung” ng mga pinoy.

PINOY KA KUNG…
1. Lumulingon ka kapag may sumisitsit.
2. Kaya mong magturo ng direksyon sa pamamagitan ng iyong nguso.
3. Gumagamit ka ng tabo sa paliligo.
4. Mahilig kang bumili ng “Sale” na item sa mall kahit hindi mo kailangan.
5. Nagkakamay ka kapag kumakain at hindi mo kailangan ang kutsara at tinidor.
6. “Prijider” ang tawag mo sa refrigerator.
7. May picture ng “The Last Supper” sa kusina niyo. at
8. May malaking dalawang malaking kutsara at tinidor na nakasabit sa dingding ng kusina niyo.
9. Naka-laminate ang diploma ng mga nakagraduate sa inyo.
10. May nakahilerang picture frames ng buong pamilya niyo na nakasabit sa dingding sa tabi ng hagdanan.
11. May walis ting-ting at walis tambo kayo sa bahay. Ito ang ginagamit na panlinis ng carpet kahit may vacuum cleaner.
12. Nagkakape ka habang kumakain ng tanghalian o hapunan.
13. Kumakain ka ng inihaw na dugo ng manok, adidas (paa ng manok), isaw ng manok, balun-balunan, at ulo ng manok.
14. Mahilig ka sa tingi. Tinging asukal, suka, tuyo, asin at iba pa.
15. Mahilig kang sumingit sa pila.
16. Navivideoke ka kapag sabado at linggo, pati na rin lunes, martes, miyerkules….araw-araw.
17. Mahilig kang dumura sa kalsada at umihi kung saan-saan.
18. Di mo nakakalimutang bumili ng souvenir item kapag nagbakasyon ka sa ibang lugar.
19. Umuusyoso ka kapag may aksidente.
20. Isinasawsaw mo sa kape ang tinapay.
21. Pumapalakpak ka kapag lumalapag ang eroplano sa airport.
22. Naliligo ka sa ulan at sa baha.
23. Kinukulob ang utot at pinapaamoy sa bata.
24. Hindi ka nahihiyang mangulangot gamit ang hintuturo. Bibilutin ang kulangot at pipitikin papunta sa kasama mo.
25. Mahilig kang mag-ipon ng mga botelya at gagamiting paglagyan ng asukal, kape, asin at iba pang gamit sa kusina.
26. Mahilig ka sa pirated cd’s at china products.
27. Bumibili ka ng ukay-ukay.
28. Kinakalong ang mga bata sa jeep at bus para hindi singilin ng pamasahe.
29. Nag-uuwi ka ng mga gamit sa hotel.
30. Tumatawad sa department store na parang nasa palengke ka lang.
31. Nagkakamot ka ng ulo at ngumingiti pag hindi mo alam ang sagot.
32. “Cutex” ang tawag mo sa nail polish, “Colgate” naman sa toothpaste.
33. Ayaw mong tanggalin ang plastic cover ng bagong bili mong sofa o sala set.
34. May uling sa loob ng refrigerator mo.
35. Pinapakain sa alagang aso at pusa ang natirang pagkain.
36. May eletric fan kang walang takip ang elisi.
37. May nakatabing bukod na pinggan, baso, kutsara at tinidor para sa mga bisita.
38. Mahilig kang magpapicture kasama ang nakitang artista sa mall.
39. Kaya mong makipagtext ng tuloy-tuloy hanggang madaling araw.
40. Paulit-ulit ang pangalan mo tulad ng Bong-Bong, Che-Che, Ton-Ton, at Mai-Mai.
41. Ginagamit mo ang sabong panlaba na panghugas ng pinggan.
42. Lagi kang huli sa lahat ng appointment mo.
43. Ginagamit mo ang iyong mga daliri sa pagsukat ng tubig sa ricecooker.
44. Ginagawa mong sabaw ang kape sa kanin.
45. Nilalagay ang sukling bentisingko sa tenga.
46. Binibilot ang ticket sa bus at isinisiksik kung saan-saan.
47. Nagpapabalot ka ng pagkain sa birthday party para iuwi.
48. Naguuwi ka ng mga tira-tirang buto at tinik sa birthday party para ipakain sa alagang aso at pusa.
49. Ugali mong umutang sa sari-sari store.
50. Pinoy ka kung sumasang-ayon ka sa lahat ng nabasa mo.

Marami pang puwedeng ilagay na Pinoy ka kung… na eksena. Pero inilalaan ko na ito sa iyo. Kung meron akong hindi nabanggit pwede mo itong ilagay bilang iyong komento sa ibaba. Ipagmalaki ang lahing Pinoy!

Credit: http://tatakblogong.wordpress.com/2010/02/21/top-50-pinoy-ka-kung/